^

Police Metro

Ate patay, utol sugatan sa tanker truck

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 42-anyos na lady rider habang sugatan ang kanyang nakababatang kapatid nang mahagip ng isang 24-wheeler na tanker truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Talipapa, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing si Mary Jane Tarroza Reo­dique, self-employed habang sugatan naman ang kanyang kapatid na si Cyra Jane Tarroza Reo­dique, 17, estudyante at kapwa residente ng Building G, 121 Camarin, Caloocan City.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang driver ng truck na si Raymund Catapia, 34, ng Brgy. Santo Cristo, Sariaya, Quezon.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-10:00 ng umaga sa tapat ng isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, patungong Congressional Avenue, Brgy. Talipapa ay minamaneho ng suspek ang isang Howo Tanker truck (NEJ-2327) sa southbound lane ng Mindanao Avenue nang mahagip nito ang mag-ate, na magkaangkas sa isang Motorstar Nicess motorcycle (NG-91983) na noon ay nag-yu-U-turn mula north patungong southbound lane.

Nakaladkad ang motorsiklo at minalas na magulungan ng truck si Mary Jane at maipit sa mga gulong nito, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with