2 miyembro ng gun-for-hire dedo
MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang miyembro ng gun-for-hire sa magkahiwalay na engkuwentro sa Brgy. Bubulong Malaki, San Ildefonso at Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Gilbert Cruz, ng Riverside 2, Brgy. Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan at Enrico Villaflores ng Marciano St., Ysmael Village, Brgy. Sta. Rosa 2, Marilao, Bulacan.
Sa ulat, kapwa inisyuhan ng search warrant ni Hon. Albert Fonacier ng RTC Br. 76 at 1st Vice Executive Judge ang dalawang suspek, kamakalawa ng gabi.
Subalit, pumalag ang mga ito sa mga otoridad na naging dahilan ng shootout at napatay sila.
- Latest