^

Police Metro

Lady cop utas, 4 sugatan sa road crash

Doris Franche - Pang-masa
Lady cop utas, 4 sugatan sa road crash
Dead on the spot si Patrolwoman Archelle Duldulao habang nagtamo ng malubhang pinsala sina Corporal Kacelyn Tarayao, Patrolwoman Pauline Carlos, Patrolwoman Riza Mae Laureta at kanilang drayber na si Corporal Berna Austria; pawang kasapi ng all-women City Mobile Force Company sa naturang lungsod.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng pulis ang nasawi habang 4 nitong kabaro ang nasugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang police car ng City Mobile Force Company (CMFC) sa kongkretong pader ng Ceferina Subdivision sa National Highway, Brgy. Sinsayon, Santiago City, Isabela, kamakalawa.

Dead on the spot si Patrolwoman Archelle Duldulao habang nagtamo ng malubhang pinsala sina Corporal Kacelyn Tarayao, Patrolwoman Pauline Carlos, Patrolwoman Riza Mae Laureta at kanilang drayber na si Corporal Berna Austria; pawang kasapi ng all-women City Mobile Force Company sa naturang lungsod.

Ayon sa Santiago City police, alas-4:20 ng hapon noong Sabado, habang tinatahak umano ng mga biktima ang nasabing highway lulan ang Toyota Hilux police car nang mawalan si Corporal Austria ng kontrol sa sasakyan nang pumutok ang kaliwang gulong nito at bumangga sa kongkretong bakod sa nasabing subdivision.

Kabilang sa nadamay na mga sasakyan nang mawalan ng kontrol ang sinasakyan ng mga biktima ang isang Brown Isuzu MUX na minaneho ni Liza Santos Pua ng Callao Alicia na patungong centro ng Santiago City.

Habang nahagip din ang sinusundang black Honda TMX 155 Tricycle na minaneho ni John Ednard Realin Molina, ng Turod Sur, Cordon, Isabela at ng black Honda single motorcycle na minaneho ni Ivan Ray Catolico Sal ng Turod Sur, Cordon Isabela at angkas si Aubrey Viundo Labog ng Laurel Centro Norte, Cordon Isabela.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang apat na pulis sa pagamutan kabilang ang iba pang lulan ng mga sasakyan na nadamay sa nangyaring aksidente. - Artemio Dumlao, Raymund Catindig

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with