Bodega ng mga Chinese medicines, illegal goods sinalakay ng BOC
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P9 milyong halaga ng smuggled Chinese medicines kabilang ang kilalang Lianhua Qingwen na gamot umano sa COVID-19 ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Parañaque City, kamakailan.
Pinangunahan ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port, ang pagsalakay sa bodega at storage na matatagpuan sa Sunrise St., Tambo, Parañaque City.
Bukod sa nasabing gamot sa COVID-19 ay may mga nakumpiska rin silang iba’t ibang Chinese cigarettes, medicines, food items, at iba pang illegally imported goods.
- Latest