^

Police Metro

Magkaka-side effects sagot ng WHO, drug firms

Malou Escudero - Pang-masa
Magkaka-side effects sagot ng WHO, drug firms
Ito ang nilinaw ni Usec. Rowena Cristina Guevarra ng Department of Science and Techno­logy sa Laging Handa briefing at sinabing ang WHO ang sasagot sa pagpapagamot ng mga makararanas ng masamang epekto sa kanilang katawan matapos sumalang sa solidarity trials samantalang ang mga gumawa naman ng bakuna ang sasagot sa mga independent clinical trials.
Unsplash Stock

Sa sasali sa COVID-19 vaccine clinical trials

MANILA, Philippines — Sakaling magkaroon ng side effects sa mga taong isinalang sa clinical trials ng COVID-19 vaccine, ang World Health Organization (WHO) at mga kumpanya na gumagawa ng bakuna ang sasagot umano nito.

Ito ang nilinaw ni Usec. Rowena Cristina Guevarra ng Department of Science and Techno­logy sa Laging Handa briefing at sinabing ang WHO ang sasagot sa pagpapagamot ng mga makararanas ng masamang epekto sa kanilang katawan matapos sumalang sa solidarity trials samantalang ang mga gumawa naman ng bakuna ang sasagot sa mga independent clinical trials.

“Dito sa independent clinical trials, ang sasagot po ay iyong vaccine developer na company. Dito po sa WHO….mayroon po silang global insurance na bibilhin para doon sa mga volunteers at pati rin po doon sa mga trialists natin. So hindi po gobyerno ang magbabayad niyan,” ani Guevarra.

Kailangan ding iulat sa Food and Drug Administration ang mga makakaranas ng side effects mula sa itinurok na bakuna.

Sinabi ni Guevarra na ang Janssen Pharmaceuticals ay nagsi­mula na noong nakaraang linggo ng independent clinical trials sa Pilipinas bukod pa sa Sinovac af Clover Biopharmaceuticals.

Sa NCR, Region IV-A at Region VI, magsasagawa umano ng independent clinical trials ang Jansen.

vuukle comment

COVID-19

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with