^

Police Metro

33 barangay sa Pasay naka-lockdown

Ludy Bermudo - Pang-masa
33 barangay sa Pasay naka-lockdown
Partikular na may pinakamataas na kaso ng virus ang Barangay 107 ni Chairman Salvador P. Vargas, sa Zone 11, sa Primero De Marso St., ng Pasay City na mahigpit ngayong binabantayan ang entry at exit points matapos matukoy ng Pasay City Health Office na tinamaan ng virus ang 7 seamen, 2 call center agents, isang senior citizen at isang kasambahay at dalawang babaeng negosyante.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Umabot sa 33 na barangay sa Pasay City ang naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Partikular na may pinakamataas na kaso ng virus ang Barangay 107 ni Chairman Salvador P. Vargas, sa Zone 11, sa Primero De Marso St.,  ng Pasay City na mahigpit ngayong binabantayan ang entry at exit points matapos matukoy ng Pasay City Health Office na tinamaan ng virus ang 7 seamen, 2 call center agents, isang senior citizen at isang kasambahay at dalawang babaeng negosyante.

Nitong Biyernes, Pebrero 19, nang iutos ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano na ilagay sa “Extreme Community Quarantine” ang mga barangay na may mga kasong 3-pataas, kasunod sa rekomendasyon ni City Administrator Atty. Dennis Acorda.

Magtatagal ng hanggang 14 na araw ang localized lockdown sa mga nasabing barangay.

Kamakalawa ay nakapagtala ng 269 kaso ng COVID-19.

Panawagan ni Mayor Emi: “Let’s strictly follow the E.M.I habit (Ensure to wash your hands, Mask is a must. Implement physical distancing.”

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with