^

Police Metro

‘Mutation’ ng COVID-19 variant sa Cebu sisilipin ng WHO — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
�Mutation� ng COVID-19 variant sa Cebu sisilipin ng WHO � DOH
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isusumite nila ang natuklasang mutations sa Cebu para makapagsagawa ng mas malawak na pag-aaral ang WHO kung ang mga ito ay dati nang variants na nakita sa ibang panig ng mundo o bago pa lang.
File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health na tutulong na ang World Health Organization (WHO) para alamin kung ang dalawang mutations na nakita sa Cebu ay “specific type” o tukoy nang COVID-19 variant o maituturing na Philippine variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isusumite nila ang natuklasang mutations sa Cebu para makapagsagawa ng mas malawak na pag-aaral ang WHO kung ang mga ito ay dati nang variants na nakita sa ibang panig ng mundo o bago pa lang.

“Hindi dapat ikabahala sa ngayon. Pinag-aaralan natin ngayon, pinag-aaralan natin kung ito ay maka-classify as variant natin,” ani Vergeire.

“Ang virus po, normally, nagmu-mutate sila and for us to have a specific variant, kailangan ng lima hanggang pito na variants out of those mutations na nakikita doon sa sequence para masabi na mayroon talagang variant tayo na specific,”aniya pa.

Una nang sinabi ng DOH-Central Visayas na ang natuklasang mutations sa Cebu ay dapat ituring na hindi PH COVID-19 variant.

vuukle comment

COVID-19

DOH

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with