^

Police Metro

Quezon City shootout: 5 holdaper todas

Angie dela Cruz - Pang-masa
Quezon City shootout: 5 holdaper todas
Pinoproseso ng mga tauhan ng SOCO ang natagpuang mga ebidensiya sa tabi ng tatlong napatay na holdaper ng gasolinahan sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City matapos makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang limang pi­naghihinalaang holdaper matapos maki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng Quezon City Police District Special Operation Unit (DSOU) at Highway Patrol Group sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Wala pang pagkaka­kilanlan ang mga napatay na suspek.

Sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-4:00 ng madaling araw ay hinoldap ng mga armadong suspek ang Uno Gasoline station na matatagpuan sa Espiritu Compound, Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo.

Walang kamalay-malay ang mga suspek na ito ay nasaksihan ni P/MSG Ericson Remigio ng PNP Legal Service dahilan para sundan ang mga tumatakas na suspek saka humingi ng tulong sa QCPD-HPG na kasalukuyang nagsasagawa ng anti-carnapping ope­ration sa kahabaan ng Atherton St., Brgy. North Fairview.

Mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng HPG at hinabol ang mga suspek na naghiwalay na kung saan ay nakorner ang dalawa sa kahabaan ng Baloyot Drive, Brgy. Sauyo at sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang mga ito at napatay.

Tinugis ang tatlo pang suspek at nakorner ang mga ito sa kanto ng Espi­ritu Compound, Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo, subalit sa halip na sumuko ang mga ito ay nakipagbarilan umano na nagresulta ng kanila ring kamatayan.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) investigator ang mga ginamit na baril ng mga suspek at motorsiklo.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with