^

Police Metro

Grupo inilatag ang kuwalipikasyon ng mga kandidato sa 2022 elections

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglatag na ng mga kuwa­­lipikasyon ang isang multi sectoral group para sa mga nagnanais kumandidato sa darating na 2022 presidential elections sa Mayo.

Ayon kay Butch Cadsawan, lead convenor ng Philippine Patriotic Movement (PPM) na dapat ay malinaw ang plataporma ng mga nagnanais na maging lider dahil sa mga pro­blemang kakaharapin ng susunod na Pangulo, Pa­ngalawang Pangulo, mga Senador at Party List Representatives.

Kabilang na umano dito ang pagtugon sa problema sa COVID-19, bagsak na ekonomiya, malaking bilang ng mga walang trabaho, mataas na halaga ng bilihin, pagtugon sa maayos na kalusugan, problema sa West Philippine Sea at maraming iba pa.

Magsasagawa ng consultation ang PPM sa iba’t ibang lugar sa bansa upang kunin ang pulso ng bayan kung sino sa mga kakandidato ang dapat nilang suportahan.

Ang PPM ay binubuo ng grupong FPJPM, FEJODAP, Peoples Movement Against Poverty, National Labor Union, at Philippine Organization of Free Labor Union.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with