^

Police Metro

Magtiyuhin durog sa trak

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang isang magtiyuhin na nagmomotorsiklo na matapos na sila ay salpukin ng trak ay nasagasaan pa sila nito naganap kamakalawa sa Talisay City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Allan Bedonia, 55; at Rodrigo Bedonia, 22, kapwa  residente ng Hacienda San Antonio 1, Barangay Dos Hermanas, Talisay City ng lalawigan.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-4:00 ng hapon sa Bacolod-Silay Airport Access Road sa Brgy. Efigenio-Lizares ay minamaneho ni Allan ang kanyang motorsiklo at angkas ang pamangkin na si Rodrigo pauwi sa kanilang bahay mula sa binyag ng apo sa Silay City.

Habang binabaybay ng motorsiklo ang nasabing highway ay sinalpok sila ng prime mover truck.

Sa lakas ng pagkasalpok ay kapwa tumilapon ang magtiyuhin at una ang ulo na bumagsak sa kalsada at pagkatapos ay nasagasaan pa sila ng nasabing truck.

Nasa kustodiya na ng Talisay City Police Station ang driver ng prime mover truck na hindi muna pinangalanan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with