^

Police Metro

KTV bar ni-raid: 52 na-rescue, 5 arestado

Joy Cantos - Pang-masa

Mga parokyano nahawa sa COVID-19

MANILA, Philippines — Nasagip ang may 52 babae habang limang hinihinalang bugaw ang nadakip sa pagsalakay ng mga atworidad sa isang KTV bar na hinihinalang front ng prostitusyon sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni Central Luzon Police Office director Brig. General Valeriano De Leon ang mga nadakip na sina Lauren Sta Iglesia, 24-anyos; Hazzel Sanchez, 28; Alysa Bautista, 21; Meli Ngo, 58  at Prince Cedrick Galang, 24, na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Ayon kay De Leon, ikinasa ang raid ng pinagsanib na anti-trafficking ope­rations ang Special Concern Unit (SCU) Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group, Mabalacat Police sa pakikipagkoordinasyon sa Department of Social Workers Regional Office 3 sa isang KTV Bar sa Fontana Leisure Park, CM Recto Highway ng Clark Freeport Zone matapos silang makatanggap ng reklamo mula sa mga na­ging parokyano ng mga babae na nahawaan umano ng sexually transmitted disease at COVID-19.

Ayon sa report, agad na dinakma ng mga ope­ratiba ang limang suspek nang tanggapin nila ang entrapment money bilang kabayaran sa mga babaeng pumayag na makipagtalik sa mga pulis na nagbalatkayong kustomer.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ang mga nasagip na kababaihan upang matukoy kung may tag­lay silang virus at iba pang nakahahawang sakit. - Raymund Catindig

vuukle comment

COVID-19

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with