^

Police Metro

Libong biktima ng baha sa Negros Occidental, inayudahan

Gemma Garcia - Pang-masa
Libong biktima ng baha sa Negros Occidental, inayudahan
Ang mga food packs na ipinamigay ng opisina ni Sen. Grace Poe para sa mga residente na nabiktima ng matinding pagbaha sa Negros Occidental.

MANILA, Philippines — Libu-libong pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa Negros Occidental ang nakatanggap ng food assistance mula kay Senator Grace Poe.

Sa isang relief operation na pinangasiwaan ng Panday Bayanihan sa mga siyudad ng Victorias at Silay kung saan libu-libong pamilya ay naging biktima ng mala­king pagbaha.

Tumanggap ang mga ito ng food packs na may kilu-kilong bigas, packs of noodles, cans of corned beef and beef loaf, at sachets of coffee drink.

 “Alam po natin na hindi sapat ‘yan, pero kahit paano, mararamdaman nila na nandito ang inyong lingkod sa sitwasyon na kailangan nila ang tulong at kalinga,” wika ni Poe.

Nagpasalamat ang mga bene­pisyaryo kay Poe at sa Panday Bayani­han sa pagsasabing nagbigay inspirasyon sa kanila ang tulong na natanggap upang sila ay muling makabangon sa krisis.

Ang Panday Bayanihan ay isang non-government organization na pinamumunuan ng anak ng senadora at kanyang chief of staff na si Brian Poe Llamanzares na aktuwal na nangasiwa sa pagkakaloob ng ayuda.

Magugunita na noong Bagong Taon ay nakaranas ng matinding pagbaha ang mga residente ng lungsod ng Victorias at Silay at iba pang lugar sa Third District of Negros Occidental.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with