^

Police Metro

Ret. police nagreklamo nang panggigipit sa piyansa

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis ang nagrereklamo nang panggigipit umano sa kanya ng Office of the Clerk of Court (OCC) ng Navotas para makapagpiyansa sa kasong serious illegal detention at roberry.

Sa salaysay ni Ret. Police Staff Sargeant Rolando Morato, 61, ng Caloocan City, Pebrero 4 nang arestuhin siya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong serious illegal detention at roberry na isinampa ni Rommel Sopera na empleyado ng Navotas City Hall noong nakaraang 2019 elections.

Sinabi ni Morato, kasama si Brgy. Tangos Chairman Wilfredo Mariano at PDP-Laban Atty. Rico de Guzman, nang kasuhan sila ng kidnapping at robbery ni Sopera.

Subalit, naibaba ito sa serious illegal detention at robbery at napawalang sala sina Mariano at De Guzman.

Ayon kay Morato, pulitika umano ang dahilan ng pagsasampa ng kaso laban sa kanya matapos arkilahin umano ang kanyang sasakyan noong 2019 election para maghatid ng mga pagkain ng mga poll watchers sa mga presinto.

Nitong Pebrero 5 ng  umaga ay inasikaso ng abogado ni Morato ang piyansa, subalit tila iniipit diumano ng OCC ang pagpapalabas ng Order of Payment hanggang sa pagsasara ng bangko kung kaya’t hindi naproseso ang kanyang pagpiyansa.

Nakakulong pa rin sa kasalukuyan sa Tanza Detention Center si Morato.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with