^

Police Metro

Malacañang hinihintay na mahimasmasan si Magalong

Gemma Garcia - Pang-masa
Malacañang hinihintay na mahimasmasan si Magalong
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil hinihintay lang nila na mahimasmasan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na naghain na ng kaniyang irrevocable resignation bilang contact tracing czar.
Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — “Sa tingin ko naman mahimashimasan lang si Mayor Magalong at ipagpatuloy niya dahil wala po talaga tayong mahahanap na kapalit ni Mayor Magalong dahil siya po talaga ang naging awtor ng ating contact tracing formula.”

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque dahil hinihintay lang nila na mahimasmasan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na naghain na ng kaniyang irrevocable resignation bilang contact tracing czar.

Ang pagbibitiw ni Magalong ay nang du­malo ito sa isang party kung saan may mga nangyari umanong paglabag sa safety protocols na umani ng matinding pagbabatikos.Hindi naman tinatanggap ng Malacañang ang pagbibitiw ni Magalong.

“Unang una po nung nagsumite ng letter si Mayor Magalong wala pong nakasulat doon na it is irrevocable so kaya nga po ang sinabi namin it is subject to acceptance at hindi naman po tinanggap ng NTF at dun na po tayo tumigil doon,” ayon kay Roque.

Sa ngayon aniya ay wala pang official na pahayag si Mayor Maga­long kung itutuloy nito ang kanyang pagbibitiw bilang contact tracing czar.

Sa kanyang liham kay National IATF head Carlito Galvez Jr., inamin ni Magalong na nabigo siyang itama ang mga ma­ling nakita niya sa ginanap na birthday celebration ng celebrity na si Tim Yap na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.

vuukle comment

CONTACT TRACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with