^

Police Metro

3 milyong bakuna darating ngayong Pebrero

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang dara­ting ngayong buwan ng Pebrero ang nasa tatlong milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 matapos ang matagumpay na negosasyon sa mga pharmaceutical companies at COVAX facility.

Ito ang iniulat kamakalawa ng gabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

“Natutuwa po kami at natutuwa po ‘yung mga LGU na they will receive ‘yung 117,000 na COVAX Pfizer and also more or less 5.5 million to 9.2 million po na AstraZeneca,” ani Galvez Jr.

Posible aniyang sa kalagitnaan o hanggang sa huling linggo ng Pebrero dumating ang hinihintay na bakuna.

Sinabi rin ni Galvez na ang unang vaccine rollout ay magiging posible dahil sa tulong ng COVAX facility, global alliance na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na bansa na mabakunahan ang kanilang mga mamamayan.

Sinabi rin ni Galvez na nangako ang COVAX facility na magbibigay ng 117,000 COVID-19 vaccine doses sa mga health workers ng bansa.

vuukle comment

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with