Price ceiling sa baboy, manok magsisimula sa Pebrero 8 – DA
MANILA, Philippines — Inihayag ni Agriculture Secretary William Dar na magiging epektibo ang 60 araw na price cap sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila simula Pebrero 8.
Kamakailan ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 124 na magtatakda ng price cap sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.
Sa ilalim nito, P270 kada kilo ang kasim at pigue; P300 kada kilo ang liempo; at P160 kada kilo ang dressed chicken.
Ang paglagda ni Duterte ng EO ay mula sa apela ng DA, Department of Trade and Industry, Metropolitan Manila Development Authority at mga alkalde ng Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado. - Joy Cantos, Mer Layson
- Latest