^

Police Metro

Magalong nagbitiw bilang contact tracing czar

Raymund Catindig - Pang-masa
Magalong nagbitiw bilang contact tracing czar
Sa kanyang liham kay National IATF head Carlito Galvez Jr., inamin ni Magalong na nabigo siyang itama ang mga maling nakita niya sa ginanap na birthday cele­bration ng celebrity na si Tim Yap na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.
The STAR/Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Inihain kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pormal nitong pagbibitiw sa tungkulin bilang contact tracing czar matapos umani ng matinding pagbabatikos ang pagdalo nito sa isang magarbong okasyong nakitaan ng mga paglabag sa health protocols.

Sa kanyang liham kay National IATF head Carlito Galvez Jr., inamin ni Magalong na nabigo siyang itama ang mga maling nakita niya sa ginanap na birthday cele­bration ng celebrity na si Tim Yap na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.

Matatandaan na na­ging tampulan ng kritisismo at panlalait sa social media ang lumabas na larawan ng mayor sa okasyon kasama ang misis na si Arlene at artistang si KC Concepcion na nagpalitratong walang suot na face mask at face shield.

Pinahiwatig ni Maga­long ang panibugho sa natatanggap nito at kanyang pamilya na pagbabatikos sa pangyayari.

Sinabi ng Mayor na nakahanda siyang humarap sa anumang pagsisiyasat na bubuuin ng mga nakatataas kaugnay sa naturang kapalpakan.

Gayunman, ipinabatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi tinanggap ni Galvez ang pagbibitiw ni Maga­long.

Sinabi ni Roque na nananatili ang tiwala ng pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 kay Magalong. - Malou Escudero

vuukle comment

BENJAMIN MAGALONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with