EO sa price ceilings sa baboy, manok ilalabas na
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senator Christopher “Bong” Go na nirerebyu na ng Office of the President ang panukalang Executive Order na pipigil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at manok.
“Parati ko itong pina-follow-up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng Pangulo,” ayon kay Sen. Go.
Tiniyak ng senador sa mga stakeholders na palaging binabalanse ng pamahalaan ang interes ng consumers at traders.
Ilang grupo ng hog raisers at poultry farmers ang nagpahayag ng kanilang concerns ukol sa ipatutupad na price ceilings sa baboy at manok.
Umapela si Go sa mga negosyante na huwag ititigil ang kanilang operasyon sa pagsasabing laging nariyan ang gobyerno upang sila ay tulungan.
- Latest