^

Police Metro

Duterte magpapaturok sa puwet

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte magpapaturok sa puwet
“Ito po ang medyo may problema po tayo na tala­gang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan dahil nga po sa mga tinatawag nating mga nakikitang mga adverse effect ng certain brands,” ani Galvez.
Karl Norman Alonzo/Presidential photo

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi siya sa braso tuturukan kundi sa puwet.

“I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.

Nauna rito, mismong si vaccine czar at National Task Force COVID -19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang humiling sa Pangulo na tumulong sa kampanya upang mas tumaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.

“Ito po ang medyo may problema po tayo na tala­gang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan dahil nga po sa mga tinatawag nating mga nakikitang mga adverse effect ng certain brands,” ani Galvez.

Sinabi naman ni Roque na mahalaga ang papel ng pangulo sa communication plan at mismong ang Pangulo pa ang endorser ng mask, hugas, iwas.

Una nang sinabi ni Duterte na isasapubliko ang kanyang pagpapabakuna na imposible nang mangyari kung sa puwet ito tuturukan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with