^

Police Metro

Metro Manila mayors tutol sa pagluwag ng age restrictions

Danilo Garcia - Pang-masa
Metro Manila mayors tutol sa pagluwag ng age restrictions
Ito ay matapos apru­bahan ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Diseases (IATF) ang pagluwag ng age restrictions sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tutol ang mga alkalde ng Metro Manila sa pagluwag ng age restrictions kung saan papayagang makalabas ang may edad 10 hanggang 65 taong gulang sa gitna ng pandemya.

“Do’n po sa amin pong consensus sa isang meeting po namin, halos lahat po kami ay hindi po sumasang-ayon yung relaxing this age bracket,” ani Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa isang panayam.

Ito ay matapos apru­bahan ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Diseases (IATF) ang pagluwag ng age restrictions sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1.

“Do’n po sa pronouncement po ni Sec. Harry Roque, dun po sa mga MGCQ, sila po ay in-adjust po yung kanila pong age bracket, authorized persons outside residence, that is from 10 to 65,” saad ni Olivarez.

Lahad nito na nagkonsulta sila sa isang pediatrician tungkol dito at aniya hindi ito inire­rekomenda ng mga ito.

Nakadagdag pa sa desisyon ng mga alkalde ang pagkakaroon na ng bansa ng United Kingdom variant ng COVID-19 na mas nakahahawa.

Nakatakda namang magkaroon muli ng pulong ang MMC ngayong araw para pagdesisyunan kung irerekomenda nila na ibaba na sa MGCQ ang klasipikasyon ng Kamaynilaan at pinal na madesisyunan ang tungkol sa mga bata.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with