2 wanted sa murder naaresto
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na operation ang dalawang lalaki na sangkot sa kasong murder at kabilang sa top most wanted ng Taguig at Muntinlupa City.
Ayon kay P/Brig. General Emmanuel Peralta, hepe ng Southern Police District, alas-3:00 ng madaling araw nang maaresto ng Taguig police ang akusadong si Aron Mustapha, 37 ng Barangay Maharlika Village, Taguig City, habang nagtatago sa compound ng Imam Kusin.
Si Mustapha ay Top 1 Most Wanted ng Taguig Police sa kasong murder na nasa sala ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 09, Taguig Regional Trial Court.
Dakong alas 6:00 ng gabi nitong Huwebes naman nang maaresto ang may kasong murder din na si Nelson Cecillano,36 na Top 4 Mose Wanted Person ng Muntinlupa City.
- Latest