^

Police Metro

NTC nagpalabas ng show cause orders vs child pornography

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang show cause order ang inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga internet service providers (ISPs) upang magpaliwanag sa patuloy na paglaganap ng child pornography.

Ang SCO ay dahil sa hindi pa rin umano nagka­kabit ng angkop na teknolohiya, software o program ang mga ISPs para maharang ang mga porn websites  makaraan rmismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mag-utos sa NTC na patawan ng parusa ang mga ISPs.

Bukod sa ‘written explanation’, kailangan din na dumalo sa mga pagdinig ang mga kinatawan ng mahigit 500 ISPs sa buong bansa simula sa Pebrero upang hindi sila mapatawan ng ‘administrative sanction.’

Ipinaliwanag nila na sa kabila na kaya nilang harangin ang access sa mga websites na ito, kailangan rin ng tulong ng pamahalaan sa pagdakip sa mga kriminal na gumagamit ng internet sa pag-abuso sa mga bata para tuluyan na itong matigil.

Isang teknolohiya na rin ang kanilang dini-debelop para otomatikong matutukoy ang anumang ‘child pornography content’ at mahaharang o hindi maa-access ang isang website kahit na lehitimo ito.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with