^

Police Metro

4 tiklo sa P6.1 milyong shabu sa Makati

Ludy Bermudo - Pang-masa
4 tiklo sa P6.1 milyong shabu sa Makati
Ang apat na suspek na naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation sa Makati City na kung saan nakumpiska ang nasa P6.1 milyong ha-laga ng shabu.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Apat na drug suspect ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust ope­ration sa sa Kalayaan Ave., Barangay West Rembo, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naares­tong suspek na sina Marivic Delacuesta, alyas “Nene”, 36; Daryl Ace Parungo, alyas “Toperl”, 29; Jamail Bura, alyas “Jam”, 37; at Frank Lawrence Dela Cruz, alyas “Oyong”,  18.

Sa ulat, alas-9:35 ng gabi nang maganap ang buy-bust operation sa  nasabing lugar nang makumbinsi ng asset ang mga suspek na  magdeliber ng iligal na droga sa isang poseur-buyer na tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Nang magpalitan na ng halagang P600,000 boodle money at  12 genuine P1,000 bills, at 5 ‘knot tie’ plastic sachet na naglalaman ng shabu, naglutangan na ang otoridad at inaresto ang mga suspek.

Nasamsam ang  mga bitbit na shopping bag ng mga suspek na may lamang 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.1 milyon.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with