PUP-DND Accord ipawalang bisa na rin
MANILA, Philippines — Inirekomenda at nanawagan si Duterte Youth Partylist Rep.Ducielle Cardema kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na tuldukan na rin ang Polytechnic University of the Philippines–Department of National Defense (PUP-DND) Accord tulad ng ginawa nito sa University of the Philippines (UP) matapos ang insidente ng pang-aabuso sa mga pamantasan ng estado na ‘hotbed’ ng recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA).
Sa ilalim ng nasabing UP-DND Accord ay bawal magsagawa ng operasyon ang tropa ng militar at pulisya sa loob ng UP campuses nang walang pahintulot o go signal ng pangasiwaan nito.
Binigyang diin nito na sa 400 plus na mga campus ng iba’t ibang State Universities and Colleges (SUCs) na walang kahalintulad na prebilihiyo o kasunduan pero matahimik at walang kaguluhan.
Ayon kay Cardema na sinabing ang “academic freedom” na nakamtan ng mga estudyante sa UP sa pamamagitan ng nasabing kasunduan ay matagal ng inaabuso ng mga radikal na makakaliwang grupo na sangkot sa recruitment ng mga kabataan para sumapi sa NPA rebels.
Ang PUP-DND Accord ay nilagdaan noong 1981 sa pagitan ni dating student leader Sonia Soto at dating Defense Minister Juan Ponce Enrile.
- Latest