^

Police Metro

Ligtas na pagbati sa COVID-19 pandemic pasado na

Joy Cantos - Pang-masa
Ligtas na pagbati sa COVID-19 pandemic pasado na
Sa botong 212 mambabatas na pumabor , isa ang tumutol ay tuluyan ng nakapasa kamakalawa ng gabi ang House Bill (HB) No. 8149 o ang panukalang Bating Filipino Para sa Kalusugan Act.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa makabago at ligtas na pamamaraan nang pagbati ng mga Pinoy sa gitna na rin ng krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa botong 212 mambabatas na pumabor , isa ang tumutol ay tuluyan ng nakapasa kamakalawa ng gabi ang House Bill  (HB) No. 8149 o ang panukalang Bating Filipino Para sa Kalusugan Act.

Ang nasabing panukala ay iniakda ni 1st District Marikina City Rep. Ba­yani “BF” Fernando na naglalayong hindi magkahawaan sa COVID-19 pero taglay pa rin ang respeto sa pagbati sa mga nakatatanda, pamilya,maging sa mga kaibigan at  iba pang kapwa tao.

Alinsunod sa nasabing panukala ni Fernando, ­inirerekomendang batiin ng mga Pilipino  ang kanilang kapwa sa pamamagitan nang paglalagay sa kanang kamay sa gitna ng dibdib na sasabayan nang pag­yuko ng ulo.

Samantalang dapat nakapikit ang mata ng taong gumagawa nito.

Hindi naman nakasaad sa panukala na papatawan ng parusa ang sinumang hindi susunod sa makabagong pamamaraan ng pagbati.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with