^

Police Metro

Makati police chief, 3 pa sinibak sa Dacera case

Doris Franche - Pang-masa
Makati police chief, 3 pa sinibak sa Dacera case
Ayon kay Sinas, ang pagsibak sa mga pulis ay bunsod ng umano’y “bungled” na imbestigasyon sa pagkamatay ni Dacera na nakitang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa mga umano’y kapalpakan sa paghawak sa kaso ng nasa­wing flight attendant na si Christine Dacera  ay inaprubahan kahapon ni Philippine National Police chief General Debold Sinas, ang rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detection sa pagsibak sa puwesto nina Makati Police Chief PCol. Harold Depositar dahil sa command responsibility, Medico Legal Officer ng Southern Police District na si Police Major Michael Nick Sarmiento at dalawang imbestigador.

Ayon kay Sinas, ang pagsibak sa mga pulis ay bunsod ng umano’y “bungled” na imbestigasyon sa pagkamatay ni Dacera na nakitang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City.

Ipinauubaya na ni Sinas kay NCRPO Director PBGen. Vicente Danao kung kailan ipatutupad ang rekomendasyon na kanyang inaprubahan.

Inutos na rin ni Sinas ang paglilipat ng lahat ng dokumento at ebidensiya para hawakan ng ibang imbestigador.

Naniniwala naman si Sinas na hindi maaapek­tuhan ang preliminary investigation ng pagkakasibak sa mga ito.

Nais ni Sinas na ma­laman kung saan nagpabaya ang mga pulis sa paghawak ng kaso ni Dacera.

Matatandaang nagreklamo ang pamilya Dacera dahil hindi umano sila kuntento sa isinaga­wang imbestigasyon sa kaso lalo na at nauna pang na-embalsamo ang mga labi ni Christine bago isinalang sa autopsy.

Nauna nang hinuli ang tatlong nakasama ni Dacera sa party pero pinakawalan ito dahil sa kakulangan sa ebidensyang rape-slay case ang kaso. - Ludy Bermudo

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with