UP-DNA accord, fabricated! — Enrile
MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na mayroon siyang pinirmahang kasunduan sa University of the Philippines (UP) noong siya ang kalihim ng Department of National Defense (DND) sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Enrile na wala siyang pinirmahan na anumang kasunduan sa UP para pagbawalan ang mga pulis at sundalo na pumasok sa lahat ng campuses nito.
Kung mayroon aniyang kasunduan ang UP-DND na mag-uugnay sa kanya ay isa umano itong “fabricated agreement” at kailanman ay wala itong bisa.
Ang reaksyon ni Enrile ay kasunod sa pahayag ni Sec. Delfin Lorenzana na pinuputol na ng Defense Department ang Soto-Enrile Agreement sa UP matapos madiskubreng nagiging recruitment ng CPP-NPA ang mga UP campuses.
Related video:
- Latest