^

Police Metro

Mga taga- Quezon City ban sa Arayat, Pampanga

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Arayat sa Pampanga ang pagpasok ng mga residente ng Quezon City sa banta ng bagong coronavirus variant.

Ayon kay Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Papayagan namang makapasok ang mga biyahero sa bayan ng Arayat ngunit hindi dapat lumabas ang mga ito sa sasakyan.

Habang ang mga resi­dente naman ng Arayat na nagtatrabaho sa Quezon City ay kinakailangang magsumite ng negatibong resulta ng COVID-19 test.

Matatandaang ki­num­pirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) na isang residente ng Quezon City ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant.

Ito ay lumipad patu­ngong UAE noong Dis­yembre 27 at bumalik sa bansa nitong Enero 7 sakay ng Emirates Flight No. EK 332.

Mariin namang kinondena ng QC-LGU ang desisyon ng Arayat local government na maging istrikto sa pagpapasok ng mga residente ng Quezon City  sa kanilang bayan.

Ayon sa QC LGU, walang basehan ang lokal na pamahalaan ng Arayat na hadlangan ang pagpasok ng mga taga-QC sa bayan ng Arayat na lilikha lang umano ito ng panic at deskriminasyon.

vuukle comment

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with