^

Police Metro

Rider tepok sa pagsalpok sa taxi

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 29-anyos na lalaki matapos ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumalpok sa isang taxi sa Brgy. Mariana, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang nasawi dahil sa pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang si Al-khalid Mahir, residente ng SMDC, Welcome Rotonda,  Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 ang taxi driver na si Demetrio Sabanal, 42, ng Reparo Road, Caloocan City, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., kanto ng Ilang-ilang St. sa Brgy. Mariana ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang bigla na lamang itong sumalpok sa kanang bahagi ng taxi na Hyudai Accent (UVK-714) na minamaneho ni Sabanal.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumi­lapon si Mahir at natanggal ang suot nitong helmet kaya’t napinsala ang ulo nang tumama ito sa kalsada.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with