^

Police Metro

7 todas sa PAF chopper crash

Doris Franche - Pang-masa
7 todas sa PAF chopper crash
Ayon kay 4th Infantry Division spokesperson Major Rodulfo Cordero Jr., nakaranas ng engine trouble ang UH-1H helicopter na nagsasagawa ng resupply mission para sa 403rd Brigade ng Philippine Army sa Malaybalay, Bukidnon nang mag-malfunction umano ang makina ng chopper dahilan upang bumagsak ito, dakong alas-2:00 ng hapon.
Google Maps

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Air Force na nasawi ang pitong sakay ng isang chopper ng militar matapos bumulusok sa Barangay Bulonay sa Bukidnon, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay 4th Infantry Division spokesperson Major Rodulfo Cordero Jr., nakaranas ng engine trouble ang UH-1H helicopter na nagsasagawa ng resupply mission para sa 403rd Brigade ng Philippine Army sa Malaybalay, Bukidnon nang mag-malfunction umano ang makina ng chopper dahilan upang bumagsak ito, dakong alas-2:00 ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina LtC.Arnie Arroyo, taga-Zamboanga City, piloto ng UH-1H helicopter; 2Lt. Mark Anthony Caabay, co-pilot; at mga crew na sina Sgt. Stephen Aggarado; Sgt. Mervin Ber­sabe; Sgt. Julius Salvado; at CAA Jerry Ayukdo.

Sinabi pa ni Cordero Jr., na tinangka pang mag-crash-land ang piloto nito ngunit hindi naging matagumpay.

Narekober na ang mga labi sa pinagbagsakan ng chopper. Magpapadala na ang PAF ng mag-iimbestiga sa naganap na insidente.

Kasabay nito, bawal munang lumipad ang lahat ng sasakyang pang­hihimpapawid ng Philippine Air Force (PAF) matapos ang naganap na insidente.

vuukle comment

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with