^

Police Metro

4 pulis, 1 pa tiklo sa buy-bust sa Subic Freeport

Doris Franche - Pang-masa
4 pulis, 1 pa tiklo sa buy-bust sa Subic Freeport
Ang limang naaresto na kinabibilangan ng apat na pulis sa isinagawang drug buy-bust operation sa loob ng Subic Bay Freeport sa Zambales.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga oto­ridad ang apat na aktibong miyembro ng Phi­lippine National Police (PNP) at 1 sibilyan nang salakayin kahapon ng madaling araw ang isang shabu labarotory sa loob mismo ng Subic Freeport Zambales.

Kinilala ang mga naarestong pulis na sina PLt. Reynato Basa, Jr.; P/Cpl. Gino Dela Cruz; P/Cpl. Edesyr Alipio; P/Cpl. Godfrey Parentela, pawang mga  miyembro ng Olongapo City Police Office-Drug Enforcement Unit at sibilyang si Jericho Dabu.

Bago ang ginawang pagsalakay, ala-1:00 ng madaling araw sa Finback Street, West Kalayaan, SBMA Freeport Zone ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad at dito ay naaresto ang limang suspek na nagresulta ng pagkadiskubre ng shabu laboratory na sinasabing may production capacity na isang kilo ng shabu araw-araw.

Narekober sa lugar ang isang kilo ng hinihi­nalang shabu, mga cellphone, at iba’t ibang la­boratory equipment sa paggawa ng shabu. Pati na ang apat na Glock 17, 9mm pistol ng mga pulis.- Raymund Catindig

vuukle comment

PNP

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with