^

Police Metro

Black sand mining sa Cagayan, pinaiimbestigahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa lokal na pamahalaan ng Cagayan na imbestigahan ang ulat ukol sa illegal na pagmimina sa Cagayan na kontrolado ng mga negosyanteng Intsik.

Nais ng grupo na matigil ang masamang gawain dahil  may ma­laking problema na ayaw pag-usapan ang ma­lakihan at bulto-bultong paghuhukay ng lupa at buhangin upang ipadala sa China at mga kalapit pang bansa tulad ng Hong Kong.

“The question is what has been done? Shall we wait for another disaster to again look into illegal mining and logging?” ayon kay Pinoy Aksyon chairperson BenCyrus G. Ellorin.

Sinabi rin ni Ellorin na ang pagi-export ng mil­yon-milyong metro kubiko ng buhangin sa malalaking imprastraktura sa mga kalapit na bansa ang wawasak sa bayba­ying dagat at dalampasigan bukod pa sa magiging sanhi ng napakataas na presyo ng mga panambak, buhangin, bato at mga kauri nito  na magpapabagsak sa pag-angat ng paggawa (construction) sa bansa dulot ng proyekto ng pamahalaang “build build build.”

Nanawagan din ang Aksyon Pinoy kay Cagayan Gov. Manuel Mamba at Cagayan 2nd district Rep.Samantha Louise V. Alfonso na imbestigahan at aksyunan ang black sand mining.

Ang Pinoy Aksyon ay isang independyenteng tagapagbantay at “think-tank” na  nagtataguyod ng pananagutan sa publiko, pangangalaga sa kapaligiran at totoong demokrasya.

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with