^

Police Metro

Panibagong 17 milyon doses ng vaccine mula UK nakuha

Gemma Garcia - Pang-masa
Panibagong 17 milyon doses ng vaccine mula UK nakuha
Nagbigay si Pangulong Duterte ng mensahe sa pamamagitan ng recorded message sa business community at pinasalamatan ang pribadong sektor sa pagdagsa ng suporta sa laban ng bansa kontra COVID-19.
AFP/Frank Augstein/Pool

MANILA, Philippines — Matapos na opisyal na maisara ang tripartite agreement sa pagitan ng national government, pribadong sektor, local government units at vaccine manufacturer na AstraZeneca ay nasa 17 milyon doses ang makukuha ng Pilipinas sa taong ito.

Nagbigay si Pangulong Duterte ng mensahe sa pamamagitan ng recorded message sa business community at pinasalamatan ang pribadong sektor sa pagdagsa ng suporta sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Ayon kay Duterte, ang tripartite agreement ay kanyang suportado at patunay na gumagana ang bayanihan.

Iginiit din niya na kung magsasama-sama ay matitiyak ang isang ligtas, sigurado at matatag na siguradong vaccine “rollout” ng national vaccination program.

Sa pamamagitan din umano ng bakuna laban sa COVID-19 ay magagarantiyahan ang kalusugan ng bawat Filipino.

Sinabi naman ng kinatawan ng AstraZeneca na ang kanilang bakuna ay may pinakamataas na safety health standard at sumusunod sa mga patakaran FDA.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with