^

Police Metro

BTS bloc sa Kamara bubuhayin ang mga mahahalagang isyu

Joy Cantos - Pang-masa
BTS bloc sa Kamara bubuhayin ang mga mahahalagang isyu
Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano
File

MANILA, Philippines — Para muling mapagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang mga mahahalagang isyu tulad ng COVID-19 vaccination program at economic recovery ng bansa, mga presyo ng bilihin at kur­yente, at iba pang nakaaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga Filipino ay inilunsad kahapon sa pangunguna ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang ‘Balik sa Tamang Serbisyo’ (BTS) bloc sa Kongreso.

Kailangang anya, pagtuunan ng pansin ang mga isyung nabanggit na tila nawalan na ng pokus sa Kamara na dapat sana ay  sinusuportahan ang mga prayoridad ng Duterte administration habang nananatiling independent na institusyon.

Sinabi ni Cayetano na isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang CO­VID-19 vaccination plan ng gobyerno, para matiyak na magiging maayos, patas at walang mintis ang programa para mabigyan ng vaccine  ang kailangang mabakunahang Filipino.

“Kailangan natin ay Bayanihan at Tapang sa Serbisyo na nawala na sa Kongreso,” ayon kay Cayetano. “Huwag panay puro pulitika lang. Best of the Best’ ang hangad ko para sa bawat Pilipino,” dagdag pa ni Cayetano.

Kasama sa BTS bloc ang ilang dating lider ng Kamara sa pangu­nguna nina former Deputy Speakers Camarines Sur Cong. L’Ray Villafuerte, Laguna Cong. Dan Fernandez, Batangas Cong. Raneo Abu at Capiz Cong. Fredenil Castro; Bulacan Cong. Jonathan Sy-Alvarado; at Anakalusugan party­list Cong. Mike Defensor.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with