^

Police Metro

Lola, 2 apo patay sa sunog sa Bulacan

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ang isang lola at dalawa nitong apo na natagpuang magkakapatong sa loob ng kanilang banyo matapos na masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan.

Ang tatlong biktima ay kinilalang sina Zenaida Peraña, 75- anyos at ang dalawa nitong apo na si Donalyn Pacunla De Guzman, 12-anyos at Zafae Celedonio, 6-anyos.

Sa ulat, alas-12:09 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa silong ng bahay ng mga biktima na sa sumandaling iyon ay nasa kasarapan ng tulog.

Posibleng naalimpungatan ang mga biktima at nagpunta sa banyo sa pag-aakalang maliligtas sila, subalit dahil gawa umano sa light materials ang nasabing bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Tinatayang aabot sa P200,000.00 ang tinupok ng apoy na naapula dakong ala-1:00 ng madaling araw at sinasabing faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na umabot sa unang alarma.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with