China at 4 pang bansa isinama sa travel ban
MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng mga bagong COVID-19 variants na nakita sa United Kingdom at South Africa ay isinama na sa travel ban ang mga banyagang magmumula sa China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pinalawak na travel restrictions ay magiging epektibo ngayong araw Enero 13 hanggang Enero 15.
Ang mga Filipino na magmumula sa mga nabanggit na bansa ay papayagan pa ring pumasok pero kailangang sumailalim sa 14 day quarantine kahit pa negatibo ang resulta ng kanilang COVID-19 test.
Una nang nagpatupad ang gobyerno ng travel ban sa mga banyagang magmumula sa Austria, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at United States.
- Latest