^

Police Metro

Killer cop ng mag-ina sibak na sa serbisyo

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak na sa pagi­ging miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na nag viral sa bidyo ang pagpatay sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni  PNP P chief PBGen Debold Sinas sa press briefing na ginanap sa multi-purpose center ng Camp Crame matapos niyang pirmahan ang dismissal order ni PSSgt Jonel Nuezca base sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Services.

Naunang isinumite ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo ang resolusyon sa kasong administratibo laban kay Nuezca, nakatalaga sa Parañaque Police Crime Laboratory  sa tanggapan ni National Capital Region Police Office director PBGen Vicente Danao Jr.

Pinaboran ni Danao ang rekomendasyong pagsibak sa tungkulin kay Nuezca base sa imbestigasyon ng IAS.

Kaagad na ipinagbigay alam ni Danao sa Camp Crame ang pagkumpirma niya sa dismissal order kay Nuezca na nakapiit sa Tarlac City Jail.

Sa kanyang rekomendasyon, sinabi ni Triambulo na ibinase niya ang dismissal sa pag-amin ng pulis sa kanyang position paper na binaril niya at napatay si Sonya Gregorio, 52, at anak nitong si Frank Anthony, 25.

Noong nakaraang Biyernes, nagpasok si Nuezca ng  “not guilty” plea sa sala ni Judge Stalla Marie Gandia- Asuncion, ng Tarlac City Regional Trial Court, branch 106.

Nakatakda sa Pebrero 4 ang susunod na pagdinig sa kasong 2 counts of murder na nakasampa laban sa pulis na si Nuezca.

Matatandaang nagviral sa social media ang video kung paano binaril nang malapitan ni Nuezca ang mag-ina na kanyang kapitbahay.

vuukle comment

JONEL NUEZCA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with