^

Police Metro

Nuezca naghain ng ‘not guilty plea’

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling gumawa ng kontrobersiya ang pulis na suspek sa pamamaril at pagpatay sa mag-ina sa Tarlac noong nakaraang taon matapos itong mag-plead ng not guilty plea sa kinakaharap nitong double murder.

Ayon sa mga netizen, napakakapal ng mukha ni PSSgt Jonel Nuezca na nagawa pa nitong sabihin sa judge ng Paniqui Tarlac Regional Trial Court branch 67 na wala siyang kasalanan kaugnay sa 2 counts of murder na isinampa laban sa kanya sa pamamaslang sa mag-inang biktimang sina Sonya Gregorio, 52, at anak na si Frank Anthony, 25.

Matatandaang nag-viral sa video ang away ng pamil­ya Gregorio at Nuezca kung saan kitang-kita na binaril nang malapitan ng pulis ang mag-ina gamit ang service firearms nito sa barangay Cabayaoasan, Paniqui noong Disyembre 20, 2020 bandang alas-5 ng hapon.

Nagsimula ang away sa ingay ng paputok subalit nabatid na dating may away na ang pulis at si Sonya dahil sa lupa.

Inaantabayanan ang pag­labas ng resolusyon  ng kasong administratibo laban kay Nuezca na inimbestigahan ng Internal Affairs Office ng Philippine National Police na lalabas ngayong araw ang desisyon na pirmado naman ni PNP chief PGen Debold M. Sinas.

vuukle comment

JONEL NUEZCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with