^

Police Metro

Pagde-deliver sa Pinas ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer, mapapaaga

Gemma Garcia - Pang-masa
Pagde-deliver sa Pinas ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer, mapapaaga
Nauna nang sinabi ni Romualdez na dahil sa na-delay ang pagproseso sa pagbili ng bakuna ng Pfizer kaya posibleng sa kalagitnaan nitong taon ma-deliver dito sa Pilipinas ang bakuna.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — May pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer, subalit hindi alam kung anong eksaktong buwan.

Ito ang sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos nang makausap niya si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na dahil sa na-delay ang pagproseso sa pagbili ng bakuna ng Pfizer kaya posibleng sa kalagitnaan nitong taon ma-deliver dito sa Pilipinas ang bakuna.

Subalit ngayon ay posibleng mas mapapaaga na ang pagdadala ng bakuna sa bansa na maaa­ring mga bandang Abril, subalit hindi matukoy ang eksaktong petsa.

Ayon pa kay Romualdez na bukod umano sa Pfizer ay maaari rin makakuha ng bakuna mula sa Janssen na ginawa ng Johnson & Johnson na isang shot lang.

Nauna na rin inapru­bahan ng Food and Drug Administration ang Phase 3 ng clinical trial  application ng bakuna ng Janssen kontra COVID-19. 

Patuloy umano ang koordinasyon nila ni Galvez at ito na rin ang mag-aanunsiyo sakaling makuha ng mas maaga ang mga bakuna mula sa Amerika dahil lahat ng impormasyon at lahat ng mga kausap doon ay nakikipag-usap na sa vaccine czar.

Ang Pfizer-BioNTech’s ay subok na may 95% na epektibo sa lahat ng ginawang human trials.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with