^

Police Metro

Drug lab ni-raid: P10.2 milyong droga nasamsam

Doris Franche - Pang-masa
Drug lab ni-raid: P10.2 milyong droga nasamsam
atay sa ulat, bago ang pagsalakay alas-6:00 ng gabi sa isang bahay sa Sampaguita St., Kabisig, Floodway ng nasabing barangay ay kinontrata ng mga suspek ang isang delivery rider para ideliber umano ang biskwit sa Maynila.
STAR/File

Isinuplong ng delivery rider…

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10.2 mil­yong halaga ng droga ang nasamsam ng mga otoridad matapos salakayin ang isang apartment na ginawang mini drug laboratory sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Christine Almario Pimentel, 30-anyos, nagtatrabaho sa isang curriculum quan­trics sa Taytay, Rizal. Habang nakatakas naman ang isa pang suspek na sinasabing may bitbit na bag matapos na mamonitor ang pagsalakay ng mga pulis gamit ang CCTV.

Batay sa ulat, bago ang pagsalakay alas-6:00 ng gabi sa isang bahay sa Sampaguita St., Kabisig, Floodway ng nasabing barangay ay kinontrata ng mga suspek ang isang delivery rider para ideliber umano ang biskwit sa Maynila.

Nang dumating ang rider para kunin ang ide­deliver sanang pagkain at bubuksan sana ang orange na bag na sinasabing may lamang biskwit para i-check ito ay agad siyang pinigilan ng suspek.

Nagduda ang rider kaya’t agad na ini-report ito sa Cainta Police at nang buksan ng pulisya ay bumuluga umano ang sinasabing droga at agad na nagkasa ng operasyon na ikinaaresto ni Pimentel.

Nakumpiska ang nasa P6.8 milyon na halaga ng shabu, 2,000 piraso ng suspected party drugs na ecstasy na may street value na P3.4 milyon at 10 maliliit na pa­kete o kalahating kilo ng Kush o high grade marijuana na nagkakahalaga ng P60,000.00. - Angie dela Cruz

vuukle comment

DRUGS

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with