^

Police Metro

2 milyong biyahero hindi nakauwi noong Pasko

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakaibang travel requirements ng mga local government units sa mga lalawigan ay mahigit dalawang milyong pasahero ang hindi nakauwi sa kani-kanilang probinsya noong Pasko.

Kaya’t nanawagan si Alex Yague, executive director of Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) kay DILG secretary Eduardo Año na magpalabas ng isang kautusan na magtatakda ng klarado at unipormadong listahan ng mga dokumentong kakailanganin ng isang biyahero para makapagbiyahe patungong mga probinsya.

Ayon kay Yague, nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa kanilang mga pasahero na marami sa kanila ang pinabalik sa kani-kanilang mga bahay makaraang hindi makapagpakita ng mga dokumento o me kulang sa mga travel documents na dala-dala nila.

“Kaya naman ang nangyayari, maaaring maka­pasok sa isang probinsya ang isang pasahero pero haha­rangin sila sa ibang probinsya kung hindi makapagpakita ng kinakailangan nilang mga dokumento.Nakakalito at nakakaawa naman sa mga biyaherong nag-ipon ng pera at naghanda para pag-uwi pero haha­rangin lamang dahil sa kawalan ng ibang dokumentong magpapakita,” ani Yague.

Naniniwala si Yague na isang direktiba lamang mula sa DILG Secretary Año ang kailangan upang masolusyunan ang nasabing problema.

Mahalaga aniyang makapanumbalik na ang ope­rasyon ng mga provincial buses upang mabuhay na rin ang lokal na ekonomiya at turismo.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with