^

Police Metro

11 katao kinasuhan sa rape/slay ng flight attendant

Ludy Bermudo - Pang-masa
11 katao kinasuhan sa rape/slay ng flight attendant
Sinabi ni Makati City Police Station, chief, P/Colonel Harold Depositar, nasa 11 katao na nakasama sa New Year’s party ng biktima sa isang hotel sa Makati ang makakasama sa reklamo matapos lumitaw sa medico legal na may laceration sa ari ng biktima na indikasyong ginalaw ito bago siya namatay.
File

MANILA, Philippines — Pinagharap ng kaso sa Makati Prosecutor’s Office ang tatlong indibidwal na kabilang sa labing-isang suspek na persons of interest sa rape with homicide sa flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Sinabi ni Makati City Police Station, chief, P/Colonel Harold Depositar, nasa 11 katao na nakasama sa New Year’s party ng biktima sa isang hotel sa Makati ang makakasama sa reklamo matapos lumitaw sa medico legal na may laceration sa ari ng biktima na indikasyong ginalaw ito bago siya namatay.

Indikasyon din ang mga nakitang hematoma sa tuhod at abrasions sa hita ng biktima na may kakaibang nangyari sa kaniya.

Iginiit pa ni Depositar na walang kaibigan na nag-report sa pulisya hinggil sa pangyayari at inabot pa ng hapon bago nila nalaman mula sa security officer ng Makati Medical Center ang insidente.

Bukod sa hawak ni­lang tatlong persons of interest, hindi rin suma­sagot sa tawag ang wa­long iba pa.

Pinagbatayan din ang kuha ng closed circuit television (CCTV) ang paglipat-lipat ng mga lalaking nakasama sa nasabing party ng biktima sa dalawang silid na kinuha sa hotel.

Batay sa kuha ng CCTV, galing sa Room 2207 na buhat-buhat ng mga lalaki ang biktima at ipinapasok sa Room 2209.

Sa naging salaysay naman ng isa pang kaibigan ng biktima, nakita niyang sumusuka ang biktima habang ang isa pa ay nagsabi naman na nakita niyang nahihirapang hu­minga ang biktima habang nakahiga sa bath tub na walang tubig na kaniya pang kinumutan at bumalik sa pagtulog.

Nang magising ay nakitang nangingitim na ang biktima kaya ginising ang dalawang kasamahan para ipaalam sa security officers ng hotel at ginawan pa umano ng first aid bago dinala sa ospital.

Ang biktima ang nag-iisang babae sa nasabing party na sinasabing nagtiwala naman sa kasamahang cabin crew dahil bading ito.

vuukle comment

CRIME

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with