^

Police Metro

P500 bilyon mawawala sa ekonomiya ng bansa — solon

Joy Cantos - Pang-masa

Kung magtatagal ang pagbabakuna vs COVID-19

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng isang solon na tinata­yang aabot sa P300 bil­yong hanggang P500 bilyon ang mawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kung magtatagal pa ang rollout ng pagbabakuna ng mga ahensya ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, dapat ay magkaroon na ng mahusay na plano para sa rollout ng mga COVID-19 vaccines.

“Sana po within this week ay iprisinta na nung mga in-charge sa Gabinete ang plano sa rollout ng mga bakuna laban sa virus “,ani Cayetano.

“Sabihin nyo, P50 billion or P100 billion [kamahal lahat-lahat], eh bakit, kung mundo ay na-vaccinate na in two years at tayo three to five years, magkano mawawala sa ekonomiya natin? Baka 300 to 500 billion a year maliit pa ‘yun eh. So if you’re going to tell me that we have to spend 50 billion more than expected for next year, let’s spend it because it’s money well spentm, dapat may decisiveness,” punto ni Ca­yetano.

Binigyang diin ni Cayetano na dapat ang pinakamagandang bakuna at epektibo ang bilhin ng gobyerno para sa milyong mga Pilipino.

“Eyes on the ball tayo-‘yung bakuna,” ani Ca­yetano na sinabi pang dapat ring ihanda ang sto­rage, transportasyon sa rollout ng mga bakuna.

Nasa 60-70M Pilipino ang target mabakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa loob ng 3- 5 taon kung saan nangu­nguna rito ang mga medical health professionals.

Idinagdag pa nito na nasa Executive Branch na kung paano mapapabilis  ang pagbili at distribusyon ng mga COVID-19 vaccines matapos namang maipasa at mapagtibay na bilang batas ang P4.506 trilyong 2021 national budget.

vuukle comment

ECONOMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with