^

Police Metro

49 sugatan sa paputok, 1 sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 50 fireworks related injuries mula December 21 hanggang January 1, 2021.

Sa 50 injuries, 49 rito ang fireworks related injuries habang isa ang stray bullet injury at walang firework ingestion ang nasawi sa pagpapaputok.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, dahil sa mas mahigpit na panuntunan sa paggamit ng paputok at pailaw ay bumaba ng 85 porsyento ang bilang ng mga taong nasaktan ng fireworks sa pagsalubong sa Bagong Taon na mas mababa sa 340 kasong iniulat noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa kabuuang kaso sa buong bansa, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng naputukan na may 22 kaso.

Sinundan ito ng Region IV-A, limang kaso at Regions I, V, at VI na may tig-apat na kaso.

Sa NCR, ang  Maynila naman ang nakapagtala ng may maraming nasugatan dahil sa paputok na mayroong 112 kaso, sinundan ng Caloocan (apat), Pasig, at Quezon City na may tigdalawang kaso; tig-isang kaso naman sa Malabon at  Marikina.

Sa kabuuan, ang NCR ay nakapagtala pa rin ng 88% decrease sa bilang ng injuries kumpara sa nakaraang taon.

Nasa edad na apat hanggang 53 naman ang mga apektado na karamihan ay nasa pagitan ng 10 hanggang 14 taong gulang.

Karamihan din sa pinsala ay mga lalaki (71%) at passive involvement na nangyari sa mga kalsada at sa loob ng bahay na kapwa may tig-49%  habang ang isang injury na nangyari ay mula sa tahanan ng kapitbahay.

Ayon kay Duque, karamihan sa mga injuries ay blast injuries na hindi na kinakailangan ng amputation (67%) habang 2% naman ang kinakaila­ngan ng amputation na ang sanhi pa rin ng aksi­dente ay blast injuries.

vuukle comment

FIRECRACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with