^

Police Metro

9 pulis sa Jolo shooting tinanggal sa serbisyo

Doris Franche - Pang-masa
9 pulis sa Jolo shooting tinanggal sa serbisyo
Ayon kay Sinas, ina­prubahan na niya ang pagtatanggal sa serbisyo ng siyam na pulis kung saan naabisuhan na rin nila ang Department of Justice upang agarin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Mohammed Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan at Pat Rajiv Putalan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Siyam na pulis na sangkot sa pamamaril at pagkamatay ng apat na sundalo noong Hunyo sa Jolo, Sulu ang sinibak na ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen.Debold Sinas. 

Ayon kay Sinas, ina­prubahan na niya ang pagtatanggal sa serbisyo ng siyam na pulis kung saan naabisuhan na  rin nila ang Department of Justice upang agarin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga  pulis na sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Mohammed Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan at Pat Rajiv Putalan.

Kasong murder at planting of evidence ang isinampa ni National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-charge Eric Distor alinsunod sa resulta ng imbestigasyon ng NBI Western Mindanao Regional Office and Death Investigation Division.

Napatay noon ang mga sundalong sina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38; at Cpl. Abdal Asula, 33 na nagsasagawa ng intelligence at monitoring operations laban sa umano’y dalawang suicide bombers.

Paliwanag ni Sinas, sa sandaling ma-finalize ang dismissal sa loob ng 10 araw, itu-turn-over na ang mga pulis sa kanilang mga kamag-anak at dito na rin magsisimula ang kanilang pagiging isang sibilyan.

Apela nila sa DOJ na bilisan ang pagsasampa ng kaso upang makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga pulis.

Mawawala na rin ang hurisdiksiyon ng PNP sa mga suspek na pulis.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng  PNP Internal Affairs Service (IAS), na nahaharap din sa kasong administratibo sina Jolo town police chief, Lt. Col. Walter Annayo, Sulu provincial police chief Lt. Col. Michael Bayawan Jr., at Capt. Ariel Corsino, hepe ng Sulu drug enforcement unit dahil na rin sa command responsibility.

Subalit, Nobyembre noong nakaraang taon nang pagbabarilin at mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek si Annayo .

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with