^

Police Metro

Lady solon niresbakan ang PACC sa pagkakasama sa listahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ni House Committee on Health chair­person Dr. Angelina­ “Helen” Tan nitong Martes ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa pagbigay ng “walang basehang” ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte na idinawit ang kanyang pangalan sa di­umano’y katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Ang inilabas na ulat kamakailan ng Presiden­tial Anti-Corruption Com­mission (PACC) na idinawit ang aking pangalan sa diumano’y katiwalian kaugnay sa palpak na pro­yekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na binanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ‘Talk to the Nation’ noong 28 December 2020, ay hindi lamang mapanirang-puri kundi nagpapahamak dahil sa kakulangan nito ng ebidensya — isang ka­totohanan na tinukoy mismo ng Pangulo sa kanyang talumpati at ako ay labis na nalulungkot sa paratang sa akin,” pahayag ni Quezon 4th District Rep. Tan.

Anya, ang naturang “walang basehang akusas­yon” laban sa kanya ay nag-ugat sa Gumaca By­pass Road, isang infrastructure project na kanyang isinulong noon pang 2016 na nagkakahalaga ng P800-million project upang ma­ibsan ng 20 minutong paglalakbay ang mga motorista sa Gumaca, Quezon.

Nilinaw ni Tan na malinis ang kanyang konsensya at handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon upang ganap nang matuldukan ang isyung ito.

vuukle comment

DPWH

PACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with