^

Police Metro

PCSO dapat mag-level up sa gaming systems — VACC

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang malampasan ang mga bagong hamon na dulot ng coronavirus pandemic ay hinikayat ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista, Jr., ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magsagawa ng “major retooling” sa kanilang gaming systems partikular na sa lotto games.

Dahil, anya sa panahon ng pandemic crisis ay nagdudulot din ng pagtaas ng demand para sa charity assistance sa milyun-milyong Pinoy na labis na naapektuhan ng pandemya at ng mga lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.

Sinabi ni Evangelista na ang Section 37 ng Universal Health Care Law na isinabatas noong nakaraang taon ay nagsasaad na 40% ng net income ng PCSO ay dapat na mapunta sa state-run Philippine Health Insurance Corp. (UHIC), o PhilHealth.

Gayunman, malaki ang naging epekto ng pandemya sa operasyon ng PCSO dahil sa pagkatigil ng operasyon ng maraming lotto betting stations sa bansa na nagresulta ng malaking kabawasan sa kita kaya’t nalugi umano ang ahensiya ng P13 bilyon noong kalagitnaan ng 2020 na taliwas ito sa projections kikita sana sila ng P52 bilyon.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with