^

Police Metro

2 opisyal ng NPA timbog sa bahay ng Bokal

Tony Sandoval - Pang-masa
2 opisyal ng NPA timbog sa bahay ng Bokal
Kinilala ang dalawang NPA opisyal na sina Ruel Custodio, alias Baste, na tumatayong finance officer at Ruben Istokado, alias Oyo/Miles, na nagsisilbing political adviser ay ina­resto sa loob ng pamamahay ni 4th district Board Member Rhodora Tan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng puwer­sa ng pulisya at militar sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa loob ng pamamahay ng isang bokal sa Zone 3, Poblacion, Atimonan, Quezon, kamakalawa ng alas-3:00 ng hapon.

Kinilala ang dalawang NPA opisyal na sina Ruel Custodio, alias Baste, na tumatayong finance officer at Ruben Istokado, alias Oyo/Miles, na nagsisilbing political adviser ay ina­resto sa loob ng pamamahay ni 4th district Board Member Rhodora Tan.

Hindi na nakaporma ang dalawang NPA nang arestuhin at nakuha buhat sa kanilang pag-iingat ang dalawang granada, isang caliber 380 na may magazine at 13 bala, isang kalibre 45 at magazine at isang cal.9MM.

Nabatid na si Custodio ay responsable sa pa­ngongolekta ng revolu­tionary tax o butaw sa mga grupo, o kor­porasyon sa lalawigan ng Quezon at nahaharap sa mga kasong kidnapping at paglabag sa RA 10591 habang si Istokado ang siyang nakatoka sa pagpapakalat ng mga subersibong dokumento at blackpropaganda laban sa pamahalaan at may kinakaharap na mga kasong double murder at multiple homicide noong 2014.

Wala pang pahayag si Tan tungkol sa presensya ng mga NPA na nagkukuta umano sa kanyang pamamahay.

Kamakailan ay ina­prubahan ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa pamamagitan ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea bilang pinuno, ang Resolution No. 12 na pormal na nagtuturing sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ang hukbong sandataan nito, ang New People’s Army (NPA), bilang grupong terorista sa bansa, alinsunod sa Section 4 ng Anti-Terrorism Act.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with