^

Police Metro

Mas mahigpit na quarantine sa Pinas, ikinakasa

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mas mahigpit na quarantine sa Pinas, ikinakasa
Ayon kay Philippine College of Physicians vice president Dr. Maricar Limpin sa isang pa­nayam, nanininiwala ang kanilang hanay sa projection ng OCTA Research Team at Department of Health (DOH) na aabot ang COVID-19 cases sa 4,000 kada araw ngayong Kapaskuhan.
AFP/Ted Aljibe

4,000 COVID-19 cases kada araw, posible

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan nang maibalik sa mas mahigpit na quarantine measures ang buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa pangambang pagtaas ng kaso nito pagkatapos ng Kapaskuhan.

 Ayon kay Philippine College of Physicians vice president Dr. Maricar Limpin sa isang pa­nayam, nanininiwala ang kanilang hanay sa projection ng OCTA Research Team at Department of Health (DOH) na aabot ang COVID-19 cases sa  4,000 kada araw ngayong Kapaskuhan.

“We agreed to it na maaaring tumaas nga. Maaaring pumalo ng 4,000. Nakikita namin ito na mangyayari dahil sa mga nakaraang linggo nakita rin naman kung paano karami [ang mga tao] at hindi nasunod ang health protocols lalo na ‘yung physical distan­cing,” ani Limpin.

Kailangan aniya, na higpitan pa ng kaunti ang quarantine measures na pinapatupad ngayon na sa kasalukuyan ay ge­neral community qua­rantine (GCQ) ay ilagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa loob ng dalawang linggo  pagkatapos ng holiday season  para makatiyak na hindi na dumami pa ang mga kaso ng COVID-19.

Samantala, sinabi ni Health spokesman Usec. Maria Rosario Vergeire, magpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Lunes para pag-usapan kung ibabalik na sa mas mahigpit na quarantine level ang bansa.

“’Yan po ay isa naman sa mga pinag-aaralan natin buwan-buwan, depende sa numero ng kaso at depende sa kapasidad ng ating health system. We have a scientific process that we undertake every month so we can determine the risk classification of our country and the specific areas in our country,” ani Vergeire. —Malou Escudero

 

 

vuukle comment

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with