^

Police Metro

Shabu nabisto sa ulo ng litsong baboy

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-kulungan ang bagong layang suspek matapos masamsaman ng shabu na inilagay sa ulo ng litsong baboy sa pamamagitan ng “paabot” sa loob ng district jail sa Brgy.Talipan, Pagbilao, Quezon.

Ang suspek na si Leonardo Dominguez, 36, residente ng Barangay Ilayang Iyam, Lucena City ay kalalaya lamang noong buwan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon matapos na magplea-bargaining makaraang makulong sa kasong pag­labag sa droga.

 Ayon sa ulat ni PMaj.Milo Tabernilla, chief of police, alas-2:30 ng hapon ay nagtungo ang suspek sa Talipan BJMP District Jail upang ibigay sa pamamagitan ng “paabot “ ang litsong ulo ng baboy sa isang nakapiit na isa ring drug suspect.

Habang nirerekisa ng mga BJMP trainees ang litson ay napansin nila sa gawing itaas ng ulo ang isang itim na electrical tape, at nang kunin nila at  buksan ay doon na tumambad ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa 3 gramo.

Inaresto ng mga ope­ratiba ng BJMP ang suspek at inamin na shabu ang nakuha sa kanyang dalang litson na para sa isang presong nakakulong sa nasabing piitan.

Nabatid na nakalusot ito ng dalawang beses na pagpapaabot at binabayaran umano siya ng hindi pinangalanang boss niya ng halagang P500 kada pag-aabot ng pagkain sa piitan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with